Dumating noong June 7, 2019 ang bagong municipal service vehicle ng LGU-Candelaria mula sa ibinabang pondo ng Provincial Government ng Quezon. Hinahangad po ng pamahalaang bayan ang tuloy-tuloy na pagsuporta at pakikipagtulungan sa provincial government tungo sa pagpapaunlad ng minamahal naming bayan ng Candelaria, Quezon.