June 24, 2019

Sa regular na Flag Raising Ceremony ng LGU-Candelaria, kinilala ang isa na namang karangalan na iniuwi ng ating kababayan na si Bb. GEZZA ILAGAN AVILA. Siya ay kinoronahan noong June 22, 2019 bilang MS. UNIVERSAL AMBASSADRESS OF THE PHILIPPINES 2019 at kakatawanin ang Pilipinas sa isang international pageant, ang Miss Universal Ambassadress, na magaganap sa Indonesia sa susunod na taon. Siya din ang kasalukuyang may hawak ng korona bilang Bb. Niyogyugan 2018.

Sundan ang kanyang kwento sa programang NO FILTER ng ABS-CBN sa July 3, 2019 pagkatapos ng Bandila.