📷 MLGOO Rowena P. Alviar & Quezon Public Information Office

Nananatili pong masigasig ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ng butihing Mayor Macky Boongaling at Vice-Mayor Ogie Suayan upang masigurado ang kaligtasan at kagalingan ng ating mga kababayan laban sa COVID-19. Isa sa mga proyekto na pinasinayaan noong Lunes, 07 Setyembre 2020, ang CANDELARIA, QUEZON LIGTAS COVID CENTER, Isolation Facility para sa mga asymptomatic COVID-19 positive patients upang maiwasan ang pagkahawa ng kanilang pamilya, gayundin ang masigurado na mabigyan sila ng maayos, makatao, at komportableng matutuluyan habang sila ay nagpapagaling.