Ngayong araw na ito, Mayo 31, 2019, sa pangunguna ng hepe ng Bureau of Fire Protection, SINSP CHARLIE N BELTRAN at ng mga Rehistradong Nars na sina FO1 Von Lionel B Habito, FO1 Darren P Glodoviza at FO1 Victor Lester B Habito, ay inilunsad ng Candelaria Fire Station, Emergency Medical Services (EMS) ang bagong programa na “Libreng BP Sa Elderly Mula Sa BFP“. Ito ay unang isinagawa sa Brgy. Poblacion sa tulong at paki-kiisa ni Ginoo Efren Lopez, Konsehal ng Brgy. Poblacion at ni Gng Evelyn Fortaleza, Presidente ng Senior Citizen Poblacion.

Bukod sa libreng BP na may layuning masuri at ma-monitor ang presyon at kalusugan ng mga nakatatanda, ang programang ito ay may hangarin din na magbigay ng edukasyon tulad ng fire safety tips sa mga grupo ng Senior Citizen sa bawat barangay ng Candelaria. Ito ay makakatulong upang mabigyan ng prayoridad ang kanilang kaligtasan sa oras ng sunog o anumang insidente.