PABATID!

Magandang araw po sa lahat ng mga taga-CANDELARIA, QUEZON!


Tuloy-tuloy po ang pagsasagawa ng MASS REGISTRATION PARA SA PAGBABAKUNA LABAN SA COVID-19 para sa mga sumusunod na kategorya:
  • A1: HEALTH CARE WORKERS (Tapos na po ang registration)
  • A2: SENIOR CITIZENS (Para na lamang po sa mga HINDI PA NAKAKAPAGPAREHISTRO sa kani-kanilang barangay. HINDI NA PO KAILANGAN na muling magrehistro kung nakapag-download na ng QR Code sa tulong ng barangay.)
  • A3: ADULT WITH COMORBIDITY
  • A4: FRONTLINE PERSONNEL IN ESSENTIAL SECTOR
  • A5: INDIGENT POPULATION
  • B1: TEACHERS AND SOCIAL WORKERS
  • B2: OTHER GOVERNMENT WORKERS
  • B3: OTHER ESSENTIAL WORKERS
  • B4: SOCIO-DEMOGRAPHIC GROUPS
  • B5: OVERSEAS FILIPINO WORKERS
  • B6: OTHER REMAINING WORKFORCE
  • C: REST OF THE POPULATION

MGA HAKBANG:


  1. Buksan po ang link na ito https://resbakunacandelaria.cf sa Google Chrome o sa ano mang browser ng inyong device. (PAALALA: Huwag pong buksan ang link sa browser ng FB messenger.)
  2. I-click ang REGISTER.
  3. Siguraduhing tama at kompleto ang lahat ng ilalagay na impormasyon.
  4. I-click ang SAVE AND REGISTER.
  5. Hintaying lumabas ang Registration ID at QR Code na katibayan ng inyong pagkakatala. I-download o i-screenshot ang QR Code. (*Ang QR Code ay ipapakita sa Vaccination Center sa itatakdang schedule ng pagbabakuna.)
Hintayin po ang mga announcements sa Official FB Page ng LGU Candelaria, Quezon at BM Candelaria at sa official website na www.candelaria.gov.ph para sa schedule ng pagbabakuna at iba pang pabatid.

 

Maraming Salamat po at manatili pong maingat at ligtas laban sa COVID-19!

 

#RESBAKUNACANDELARIA
#BeatCOVID19