Muli na namang binisita ng ating Punong Bayan ang ating Pamilihang Bayan o ang Palengke. Binisita nya ang ipinapagawa nyang pagsusubo ng bubong sa bagong building upang magkaroon ng magandang bubong ang mga kababayan nating namimili sa palengke tuwi mang uminit o umulan. Bukod rito ay in-estimate na rin nya ang Phase II ng Proyekto kunsaan Ang kabila ng naunang building ay ipapagawa na rin. Tunay na nangunguna sa pag angat! Napaka unlad ng Bayan Ng Candelaria. Sa pag tutok ng Ating Punong Bayan na si Mayor Macky Boongaling, Vice Mayor Ogie Suayan at Sangguniang Bayan.

Ganap na ala-una ng hapon ay di alintana ang Layo at ang Init ng araw sa ating punong bayan. Sa pag iinspeksyon ng mga pagawaing pang pamahalaan , tinitiyak nya na nasasa oras ba ang pagtatapos ng pagawain, kung ito ba ay maganda ang kaledad, ito ba ay tama sa sukat at naaayon sa nasabing proyekto.

Ito ay ang proyektong masigasig hiningi ng ating Punong Bayan sa DPWH sa pakikipag tulungan ni Vice Mayor Ogie Suayan at Sangguniang Bayan. Mahigit na 10Million Pesos na Galing sa Kaban ng Bayang National, 1.2 Kilometrong Pagkokonkreto ng Kalsada sa Brgy. Bukal Norte.

Walang malayo at mainit na panahon para sa ating Punong Bayan,dahil sa oras ng katanghalian, tirik na tirik ang araw ay nagpursigi syang inspeksyonin ang ginagawa o ang concreting ng kalsada sa Brgy. SAN ANDRES , CANDELARIA QUEZON. Tiniyak nya kung tama ba ito sa sukat at kung tama ba ang kaledad ng pagkakagawa rito.
Ilan lamang ito sa mga proyekto ng ating Minamahal na MAYOR MACKY BOONGALING, VICE MAYOR OGIE SUAYAN at mga myembro ng SANGGUNIANG BAYAN.

#BayanMuna
<Ilan lamang ito sa mga Sandamakmak na Proyekto ng Ating Administrasyon.>

0 Shares