June 30, 2019

Pinasimulan ang programa ng PASASALAMAT at INAGURASYON sa isang Misa-Pasasalamat sa ganap na ika-9:00 ng umaga sa simbahan ng Parokya ni San Pedro Bautista na pinanguhan nina Rev. Msgr. Boy Verastigue, P.C., E.V. at Rev. Fr. Au Reyes.

Sunod namang nasaksihan ang panunumpa sa tungkulin ng ating mga bagong halal na opisyal sa pangunguna ni Branch 55-Lucena City Presiding Judge Hon. Agripino R. Bravo.

Sa ganap na ika-12:00 ng tanghali, isinagawa ang Pasinayang Sesyon ng 2019-2022 Sangguniang Bayan.

Kasama sa mga dumalo ang mga opisyal at miyembro ng pamahalaang barangay, pamilya ng mga bagong-halal na opisyal gayundin ang mga kawani ng pamahalaang bayan at mga mamamayan ng bayan ng Candeleria, Quezon.