PRESS RELEASE: Accomplishment on Illegal Drugs

Huli – Dalawa na naman magkasunod na Buy-bust Opn muling isinagawa ng Candelaria Municipal Police Station, sa Pangunguna ng aming hepe na si PSUPT FRANCO ALLEX REGLOS sa tulong ng MOBILIZED Barangay at Brgy Drug Abuse Counsil (BADAC), na kung saan ang arestado ay huli sa akto ng pagbebenta ng illegal na droga, dito sa ating mga operatiba. Ang una kagabi ganap na 8:30 nasasakupan ng Brgy Poblacion pag-kakaresto kay RICARDO LICUP BALITA @ERIC, datihan may kaso sa droga sa ilalim ng PLEA BARGAINING at nakulong na din ng ilang tao. Ito ay tubo at residente ng nabanggit na lugar. Nabawi po sa pag iingat nito ang php 500 pesos marked money at dalawa pang piraso ng small sachet na hinihinalang shabu.

Ang Pangalawa naman ay kanina lamang 12:05 ng madaling araw sa Brgy Malabanban Norte at pag-kakaaresto kay ERNANI RUANTO DELA ROSA @NANI, datihan drug surrenderee, tubo at residente ng nabanggit na lugar. Ito ay nagresulta ng pagkaka-bawi ng php 500 pesos marked money at dalawa pang piraso ng small sachet na hinihinalang shabu.

Ang mga nakuhang ebidensya sa nasabing Operation ay agad nating pinadala sa Quezon Crime laboratory para sa pag susuri.

ANG MGA ARESTADO NGAYON AY NASA LOCK-UP JAIL NG HIMPILAN AT NGAYON AY DADALHIN SA PROBINSYANG TAGA-USIG LUNGSOD NG LUCENA SA KASONG PAGLABAG UNDER VIOLATION OF RA 9165 O COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUG ACT 2002.

PARA SA QUEZON PULIS AT UR SERBIS, AKO SI SPO3 EDWIN UMALI, CANDELARIA MUNICIPAL POLICE STATION.

On November 28, 2018 between 7:00 am to 8:00 am, SPO3 Edwin Umali, Police Corres of Candelaria MPS under the direct supervision of PSUPT FRANCO ALLEX M REGLOS – Acting Chief of Police rendered a phone patch report on Quezon Pulis @ Ur Serbis radio program airing at 89.3 FM Lucena, MAX Radio.