PRESS RELEASE: Accomplishment on Illegal Drugs 

Huli – Ang Candelaria Municipal Police Station ay muling nagsagawa ng Buy-bust Opn. sa Pangunguna ng aming hepe na si PSUPT FRANCO ALLEX REGLOS sa tulong ng MOBILIZED Barangay, na kung saan ang mga arestado ay huli sa akto ng pagbebenta ng illegal na droga, dito sa ating mga operatiba. Ito ay kahapon ganap na 1:40 ng hapon sa nasasakupan ng Brgy Poblacion Sur at pag-kakaresto kay CHRISTIAN ARGUELLES DOLOR @TANO, 33 taong gulang, datihan na may kasong drugs, nakalabas sa pagkaka-convicted sa Plea Bargaining, nitong nakaraang buwan lamang. Nabawi po sa pag iingat nito ang php 500 pesos marked money at isa pang piraso ng small sachet na hinihinalang shabu.

Matapos masaksihan ng mga Brgy Kagawad at media buhat sa Lucena City, ang nakuhang ebidensya ay agad nating pinadala sa Quezon Crime laboratory para sa pag susuri.

SA KASALUKUYANG ANG KASO AY HANDANG IHARAP SA PROBINSYANG TAGA-USIG LUNGSOD NG LUCENA SA KASONG PAGLABAG UNDER VIOLATION OF RA 9165 O COMPREHENSIVE DANGEROUS ACT 2002.

PARA SA QUEZON PULIS AT UR SERBIS, AKO SI SPO3 EDWIN UMALI, CANDELARIA MUNICIPAL POLICE STATION.

One (1) successful Drug Buy-Bust Operation at Brgy. Poblacion, Candelaria, Quezon was aired in 89.3 Max Radio (7:00 to 8:00 Am) December 8, 2019, at Serbisyong Pulis Quezon, Lucena City by Candelaria’s Police Correspondent, SPO3 Edwin M Umali wherein one (1) drug personality was arrested and filed appropriate charges.