Minabuti ng ating Mayor Macky Boongaling na sa isang simpleng kapehan na lamang idaos ngayong araw ng Sabado, Hulyo 4, 2020 ang “Ribbon Cutting” ng bagong gawang kalsada na nag-uugnay sa dalawang barangay mula Bukal Sur hanggang Buenavista West, kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating butihing Vice Mayor Ogie Suayan at mga konsehales.

 

Sinaksihan ito ng ilang residente ng nasabing dalawang barangay at mga kapitanes na nandoon.

 

Ayon sa mensahe ng ating Mayor Macky,
Bagamat Zero Covid Case ang ating bayan, mariin nyang sinasabi ang ibayong pag iingat ng bawat isa, kung hindi rin lang importante ang mga dahilan ng paglabas ng bahay, ay mabuting manatili na lamang sa loob”.
“Ang mga proyektong dinadala sa mga barangay ay mariin nya din sinabing galing ito mismo sa buwis ng taong bayan, at ang iba naman ay mga tulong galing sa ibang ahensya ng pamahalaan, para sa kapakinabangan ng nakararami nating kababayan”.
“Wala akong ibang hangad kundi ang kabutihan ng mga susunod pang henerasyon na makikinabang sa mga proyektong ito, makakaasa ang Bayan ng Candelaria sa higit pang kaunlaran”.