Maligayang Buwan ng mga Kababaihan!!! Patuloy pong isinusulong ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Macky Boongaling at Vice-Mayor Ogie Suayan kaagapay ang mga bumubuo ng Sangguniang Bayan, ang mga proyekto at programa para sa kapakanan at kabutihan ng mga kababaihan ng Candelaria, Quezon – mga masisigasig at kahanga-hangang mga tagapagtaguyod ng ating minamahal na bayan, mga aktibong myembro at mahalagang haligi na bumubuo at humuhubog sa isang yumayabong at progresibong Candelaria.