Isinagawa ang kauna-unahang Safety Seal Inspection bilang tugon sa aplikasyon ng Waltermart Candelaria upang magawaran ng Safety Seal na naaayon sa DOLE-DOH-DILG-DOT-DTI JOINT MEMORANDUM CIRCULAR NO. 21-01, Series of 2021.

 

Hangad ng SAFETY SEAL na tukuyin ang mga business establishments na sumusunod sa minimum health standards at paggamit ng StaySafe.ph app at hikayatin ang mga ito na maging fully compliant sa mga ipinapatupad na alituntunin ng pamahalaan laban sa COVID-19.

 

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa SAFETY SEAL at paano ito maaaring igawad sa inyong business establishment, bisitahin ang link na ito https://candelaria.gov.ph/safetyseal/

 

#SafetySealCandelariaQuezon
#CandelariaBayangMasaya