Ganap na alas Onse(11) ng tanghali noong Abril 29, 2019 ay ginanap ang GROUND BREAKING CEREMONY ng bagong itatayong Steel Asia. Ang Pinaka malaking pagawaan ng bakal sa Pilipinas. Talaga namang napaka palad ng Bayan ng Candelaria dahil sa dinami rami ng Bayan sa lalawigan ng Quezon ay CANDELARIA ang napili nila.

Ang isang ganitong uri ng kompanya ay hindi basta basta, sila ay tumitingin muna sa abilidad ng isang bayan at sa pamahalaan nito. Ika nga ng ating Gobernador, kung nakita ng kompanyang ito na puro corruption at kaguluhan ang nangyayari sa bayang ito, siguradong hindi na dito mag tatayo ng business ang mga investor. Ngunit nakita ng Steel Asia ang abilidad sa pag unlad ng bayang ito, nakita nila ang pag papahalaga sa mga investors, nakita nila ang maayos na bayan at pamahalaan. Kaya isa na namang napakalaking oportunidad sa ating mga kababayan ang dumating sa ating bayan ng Candelaria.

Hinikayat rin ng ating Punong Bayan na si Mayor MACKY BOONGALING ang mga investor na naroroon na sila ay magtayo ng mga negosyo sa bayan ng Candelaria dahil sila ay protektado sa ano mang corruption na pwede mangyare. Dahil ayan ang ayaw na ayaw ng ating punong bayan, ang mangoruupt sa mga taong bayan.

Tunay namang pinag pala ang bayan ng Candelaria!!
Tuloy tuloy na pag unlad sa tuloy tuloy na pag angat ng bayan ng Candelaria!

#BayanMuna
#BayangMaunlad
#BayangMaipagmamalaki