Pasasalamat sa Poong Maykapal at sa lahat ng mamamayan ng Candelaria, alay po namin sa inyo ang SGLG Award na ito.

Karangalan at ipinagmamalaki ng LGU Candelaria, Quezon sa pamumuno ng ama ng bayan Mayor George “Ogie” D. Suayan, at Vice-Mayor Macario D. Boongaling kasama ang Sangguniang Bayan Members na mapabilang sa mga Local Government Units na makatangap muli ng Seal of Good Local Governance (SGLG) Award 2023, isa sa mga pinakamataas at pinaka-challenging na award na maaring matangap ng isang lokal na pamahalaan patungkol sa maayos na pamumuno sa kanyang nasasakupan.

Ginanap ang SGLG Awarding noong December 14, 2023 sa Manila Hotel at buong karangalan tinanggap ito ng ating Municipal Mayor Ogie Suayan, kasama si ENP Marian R. Ada, MPDC-OIC, kasama ring sumuporta ang mga Department Heads, MLGOO, mga empleyado, National Government Agencies, DepEd at People’s Council. Nakatangap din ng Incentive Fund Subsidy na nagkakahalagang 1.8 Milyong Piso para sa mapipiling proyekto patungkol sa pagpapaunlad pa sa mga napapaloobang criteria ng SGLG.

Ito ang “ALL-IN” assessment criteria para SGLG Awards

  • Financial Administration and Sustainability;
  • Disaster Preparedness;
  • Social Protection and Sensitivity;
  • Health Compliance and Responsiveness;
  • Sustainable Education;
  • Business-Friendliness and Competitiveness;
  • Safety, Peace and Order;
  • Environmental Management;
  • Tourism, Heritage Development, Culture and Arts;
  • and Youth Development