Personal na sinadya at iginawad ni Quezon Schools Division Superintendent ELIAS ALICAYA JR., kasama sina DS RAQUEL P. MARCUAP (CWD) at DS MARIA FATIMA U. CALAYAG (CED), ang DepED CALABARZON #DABESKA! Award sa ating Punong Bayan, KGG. MACARIO “MACKY” D. BOONGALING noong, 01 Oktubre 2020.

 

Ang #DaBesKa! Award ay iginawad sa ating punong bayan bilang pagkilala at pagpapasalamat ng DepEd CALABARZON para sa tulong at lubos na suportang hatid ng ating pamahalaang bayan sa pag-lalaan ng pondo para mabigyan ng PRINTING MACHINES, ICT DEVICES at SUPPLIES ang ating mga pampublikong paaralan bilang tugon sa hamon ng COVID-19 sa ating mga guro at mag-aaral.