Ngayong araw ay ating ginugunita ang Pambansang Araw ng mga Bayani. Kaya’t ngayong umaga, bilang pagalala sa katapangan at pagiging makabayan ng ating mga bayani, ang Pamahalaang bayan sa pangunguna ng ating punong-bayan George D. Suayan ay nagsagawa ng maikling programa na sinimulan sa isang panalangin at ito sinundan ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas, pagawit ng Lupang Hinirang, Himno ng Lalawigan ng Quezon at Himno ng Bayan ng Candelaria. Sa ikalawang bahagi ng programa ay nag-alay ng bulaklak sa bantayog ng Pambansang Bayani na si Gat Jose P. Rizal ang ating punong bayan kasama ang mga hepe ng lokal na pamahalaan sa pngunguna ng ating Municipal Administrator Atty. Sherwin R. Gatdula, PNP, BFP, BJMP at CTMG. Ang nasabing pag-aalay ay inalalayan ng Candelaria Knights of Columbus.
Sa mensahe ng ating Punong-Bayan George D. Suayan, binigyang diin niya ang pagpapahalaga sa ambag ng ating mga bayanı sa ating bansa kaya’t marapat lamang na ito ay tularan at isabuhay, lalo na ng mga naglilingkod sa bayan at mga katuwang sa serbisyo publiko.